Isang bagong pampublikong palikuran ang pormal ng naiturn-over at pwede ng mapakinabangan ng mga residente sa Sitio Sinmacbot, Brgy. Anonat, Paracelis, Mountain Province.

Ayon sa 2nd Mt. Province PMFC, sila mismo ang gumawa sa nasabing palikuran gamit ang kanilang sariling pera at sa tulong na rin ng mga iba’t ibang community stakeholders.

Dagdag pa ng 2nd Mt. Province PMFC, ipinatayo ang nasabing palikuran upang mabigyan ng maayos at malinis na palikuran ang mga residente, turista, at mga biyahero na dumadaan sa lugar. (PROCOR-PIO)