Sa lungsod ng Baguio, ang kapulisan ng BCPO Legarda Police Station (PS5) ay nakipagbayanihan kasama ang mga guro at magulang ng mga estudyante ng Pines City National High School at SPED Center.

Bilang pagsuporta sa Brigada Eskwela ng Department of Education na may temang “Tugon sa Hamon ng Ligtas na Balik-Aral”, ay tumulong ang mga kapulisan sa paglilinis, pagpipinntura ng mga silid at pagkumpuni ng mga nasirang kisame at iba pang pasilidad ng paaralan.

Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na face-to-face classes ng mga mag-aaral. (PROCOR-PIO)